Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y mismatch sa death certificates at sa aktwal na ikinasawi ng mga biktima ng war on drugs ng pamahalaan.
Kasunod ito ng ulat ng Reuters na nagpapakita ng nasabing hindi pagkakatugma.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, iniimbestigahan na ng DOJ ang 352 na kaso ng mga indibidwal na napatay sa anti-drug operations ng mga pulis mula 2016.
Nauna nang inilathala ng DOJ noong October 2021 ang review nito sa 52 drug war cases kung saan ilang suspek na napatay na umano’y unang nagpaputok ng baril sa mga pulis ay nag negatibo sa gun powder nitrates.
Tiniyak naman ni Guevarra na irerekomenda niya kay incoming Justice Secretary Boying Remulla na ipagpatuloy ang mga programa ng DOJ.
Facebook Comments