R&B singer na si Kyla, muling dumanas ng miscarriage sa ikaapat na pagkakataon

55

Malungkot na ibinahagi ng R&B singer na si Kyla na dumanas muli siya ng miscarriage.

Sa Instagram ni Kyla, nag-post ito ng video noong nagbubuntis pa siya.

Ito na aniya ang pang-apat na beses na nakunan ang naturang singer.


Agad naman na nagpaabot ng pakikidalamhati ang ilang mga kasamahan nito sa showbiz industry matapos na mabalitaan ang pangyayari.

Matatandaan, noong 2018 ay dalawang beses na itong nakunan at naulit noong Hulyo 2021.

Isinilang nito ang panganay na si Toby Elsiah noong Mayo 2015.



Facebook Comments