MISS DAGUPAN CITY, KINORONAHANG MISS UNIVERSE PHILIPPINES – PANGASINAN

Masayang nagdiwang ang Dagupan City matapos masungkit ng kanilang kandidata na si Donna Reign Nuguid ang korona bilang Miss Universe Philippines – Pangasinan noong Sabado, January 24.

Sa ginanap na pageant, nangibabaw ang husay ni Nuguid sa iba’t ibang bahagi ng kompetisyon, mula sa pagpapakita ng talino at kumpiyansa hanggang sa malinaw na pagpapahayag ng kanyang adbokasiya, na nagbigay sa kanya ng kalamangan sa mga hurado.

Bago pa man ang coronation night, isa na si Miss Dagupan sa mga itinuturing na crowd favorites sa ilang survey platforms.

Dahil dito, lalo pa niyang pinaghusayan ang kanyang paghahanda katuwang ang kanyang mga coach na patuloy na gumabay at sumuporta sa kanya sa buong laban.

Samantala, itinanghal na 1st Runner-up si Rose Ann Albania ng San Carlos City, habang 2nd Runner-up naman si Stephanie Paul ng Binalonan.

Inaasahang dadalhin ni Nuguid ang sigla at husay ng Pangasinan sa paparating na Miss Universe Philippines 2026 pageant bilang kinatawan ng lalawigan.

Facebook Comments