Ipinahayag ni Aurora Pijuan, Miss International 1970, na i-auction niya ang kaniyang korona para matulungan ang mga mangingisda ng F/B Gem Ver-1.
Ang desisyon niyang ito ay kaugnay ng insidente sa Recto Bank, kung saan binangga ng isang Chinese vessel ang bangkang F/B Gem-Ver na ikinahulog ng 22 na Pilipinong mangingisda sa dagat.
Ayon kay Aurora, ang korona ay may halagang 60,000 ngunit sana ay umabot ito ng 500,000. Nagbigay naman si Albert del Rosario ng kalahating milyon na hindi masakit sa bulsa.
Dagdag pa ni Aurora, nararapat lamang na makatulong sa mamamayan ang natanggap na korona.
“I’m going to give the proceeds to them in the hopes that this gift to me, really, a gift to our nation when I won the title in 1970, will have a real value and significance today,” paliwanag ni Aurora.
Ang kaniyang orihinal na korona ay nasa attic ng bahay at mas maliit kaysa sa orihinal na nasuot noong 2970 sa Osaka, Japan. Nasungkit ni Aurora ang ikalawang Miss International na korona.
Kasama ang mikimoto crown sa Leon Exchange Online Auction Edition 12 na gaganapin sa Hulyo 20 at 21 ng 11:00 ng umaga.