Manila, Philippines – Nasungkit ng pambato ng South Africa na si Demi-Leigh Nel-Peters ang korona sa katatapos lamang na 66th Miss Universe sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.
Sa final question, pare-pareho ang tinanong sa tatlong kandidata.
Ang tanong ay “what quality in your self are you most proud of and how will you apply that quality to your time as Miss Universe?”
Sa kaniyang sagot, sinabi ni Miss South Africa na confidence, strong at being able to do what is ask for ang kaniyang mga katangian.
Itinanghal naman na 2nd runner-up si Davina Bennett ng Jamaica habang si Laura González naman ng colombia ang 1st runner-up.
Si bagong Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters ay ikalawa sa South Africa na nakasungkit ng korona matapos ang halos apat na dekada o tatlomput siyam na taon.
Nakaabot naman sa top 10, pero bigong umusad sa top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters.
Samantala, usap-usapan ang pagbabago sa paraan ng pagpili sa top 16 sa Ms. U.
Sa panibagong format, ang 92 contestants ay mahahati sa tatlong grupo: “The Americas; “Europe”; at ikatlo ang Asia-Pacific and Africa.
Sa tatlong grupo, pipili ng tig-aapat na kandidata at kapag nakakuha ng labingdalawa, kukuha pa ng apat na wildcard.
Hindi naman nakuha si rachel peters sa Asia-Pacific and Africa, napasama naman ito sa nakapasok sa wildcard.