Miss Universe 2018 Catriona Gray, ipinaliwanag ang dahilan sa kanyang malungkot na online post

Nilinaw ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang tungkol sa kanyang post na “feeling low and down” umano sya.

Say ni Cat, kahit naabot na niya ang tagumpay sa pagiging Miss Universe ay nakakaranas parin siya ng mga pagsubok.

Noong nakaraang Linggo ay balik bansa ang Reigning Beauty Queen para sa kanyang mga bagong proyekto.


Samantala usap usapan na isa ang Pilipinas sa mga pinagpipilian para pagdausan ng 2019 Miss Universe kasunod ng lumabas na litrato ni Miss Universe Organization President Paula Shugart na dumating sa bansa para bisitahin ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Matatandaang taong 2016 nang huling idaos ang nasabing pageant dito sa bansa.

Facebook Comments