Miss Universe 2018 Catriona Gray, nais maging reservist ng AFP

Handa raw si Miss Universe 2018 Catriona Gray na maging reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Say ng Beauty Queen, magandang hakbang ito para maipakita ang pagmamahal niya sa bansa.

Sa ngayon, pinag-iisipan pa ni Catriona kung anong service branch siya magte-training.


Kahapon, matatandaang nagpunta si Catriona sa Camp Aguinaldo para sa isang courtesy visit kung saan umaasa siyang makakatuwang niya ang militar sa kanyang mga Adbokasiya at Charitable Works.

Facebook Comments