Miss Universe Catriona Gray, nagtungo sa NBI para ireklamo ang kumakalat na pekeng topless photo niya sa social media

Personal na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Miss Universe 2018 Catriona Gray para ireklamo ang uploader ng kumakalat sa social media na pekeng “topless” niyang larawan.

Nakipag-usap si Gray kay NBI Deputy Director Vicente De Guzman hinggil sa sinasabing photoshopped niyang larawan.

Ayon sa abogado ng beauty queen na si Atty. Christopher Liquigan, nasaktan si Gray sa malisyosong pagpopost ng mga peke niyang larawan.


Ayon naman kay De Guzman, iimbestigahan nila kung sino ang taong nasa likod ng pagpopost sa social media ng litratong may layong siraan ang beauty queen.

Ang NBI Anti-Cybercrime Division ang naatasang magsagawa ng imbestigasyon sa reklamo ni Gray.

Facebook Comments