Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, ikinasal na!

Kasabay ng kanilang ika-pitong anibersaryo bilang magkasintahan, ikinasal na sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Makikita sa kanilang mga social media account ang mga larawan ng kanilang civil wedding na ginanap sa Supreme Court, Manila City sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan.

Kalakip ng mga litrato ang mga caption na “Celebrated 7 years together by making it official” at “I love you so much, Rachel Peters! You are my dream woman”.


Ayon din sa kanila, magkakaroon pa sila ng isang kasal sa susunod na taon para naman makapunta ang kanilang mga pamilya, kaibigan at ang kanilang paparating na anak.

Facebook Comments