Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, may payo kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo para sa nakatakdang laban nito

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang kanyang naging payo kay Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 sa susunod na buwan.

Si Gazini ang nagsalin ng korona kay Rabiya noong nakaraang taon.

Ayon kay Gazini, noong kinoronahan niya si Rabiya bilang Miss Universe Philippines ay pinayuhan niya itong maging totoo lamang sa sarili at i-enjoy lang ang journey dahil once in a lifetime lang ito mangyayari.


Ibinahagi rin ni Gazini ang kanyang mensahe para kay Rabiya na ngayon ay nasa Florida na para sa inaabangang kompetisyon.

Payo ng beauty queen, patuloy ang pagsuporta at pagmamahal ng mga Pilipino dito at batid ng lahat gagawin ni Rabiya ang lahat upang maging proud ang bansa dito.

Facebook Comments