Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, pumalag sa mga akusasyon ng pandaraya

100

Matapang na sinagot ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang mga akusasyon na nandaya siya para maiuwi ang korona sa katatapos lang na beauty pageant.

Sa isang virtual interview, matapang na sinabi ni Mateo na hindi lahat ng tao ay magugustuhan siya kahit nakikipagkaibigan na siya sa mga ito.


Binigyan-diin ng beauty queen na alam niya na lumaban siya nang tama at patas para masungkit ang Miss Universe Philippines 2020 title.

Una na kasing inakusahan si Mateo ni Miss Taguig Sandra Lemonon na lumabag siya sa mga panuntunan ng pageant.

Nagdala umano ng sariling glam team ang kandidata at alam na umano ni Mateo ang mga tanong sa question and answer portion.

Facebook Comments