Miss Universe Philippines Beatrice Gomez, hindi nagpahuli sa preliminary round ng kompetisyon

Hindi nagpakabog sa preliminary round ng 70th Miss Universe si Miss Universe Philippines Beatrice Gomez.

Ito ay matapos irampa ni Betrice ang kanilang Bakunawa dragon costume sa National Costume Competition na ginanap ngayong araw sa Eilat, Israel.

Ayon sa dalaga, inspirasyon niya ang Philippine mythology partikular ang Bakunawa para sa kaniyang gown.


Habang hindi rin ito nagpahuli sa swimsuit competition suot ang pink one-piece at red evening gown naman para sa evening gown competition.

Gaganapin ang final competition ng Miss Universe bukas kung saan isa sa mga judge ang aktres na si Marian Rivera.

Facebook Comments