Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Ms. Universe-Philippines Rachel Peters ang pambabash ng isang netizen na pumuna sa kanyang larawan.
Ayon kasi sa netizen na ito, nafu-frustrate siya dahil tila mas maganda pa ang mga pictures ng ibang kandidata sa kanya.
Dugtong pa ng netizen, wala umanong pasabog si Rachel sa mga uploaded pictures nito sa social media.
Sagot ni rachel, ineenjoy lamang niya ang kanyang journey sa miss universe bilang kinatawan ng Pilipinas.
Matatandaan din na dahil sa fan vote ay nakapasok noon sa top 6 ng 65th miss universe ang pambato ng thailand na si Chalita Sansuane.
Sa kasalukuyan, isa sa mga early favorites ang Pinay beauty queen na si Rachel Peters kasunod ng ilang Asian candidates na pinagtulungan na iboto ng mga pageant fans sa pamamagitan ng twitter votes at poll sa miss universe website.