Miss World 2013 Megan Young, inamin napag-uusapan na nila ng kaniyang boyfriend na si Mikael Daez ang kasal

Manila, Philippines – Aminado si Miss World 2013 Megan Young na napag-uusapan na daw nila ng kaniyang boyfriend na si Mikael Daez ang pagpapakasal.

Ayon kay Megan, sa tingin niya marami pa dapat paghandaan at masaya na siya sa ngayon lalo na sa suporta na ibinibigay ni Mikael partikular sa mga plano nila sa buhay.

Ikinatuwa naman ni Megan ang maging part ng pelikula ni Ai Ai Delas Alas kung saan hindi daw siya nahirapan sa bawat eksena na kamasa ang comedy concert queen.


Pagkatapos ng pelikula ni Megan ay tutungo na ito sa New York para pumirma ng kontrata sa isang talent agency na mamamahala sa kaniyang international acting career.

Facebook Comments