MVP, bumisita sa practice ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa PBA All Star at SEABA 2017

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga players at coaches ng Gilas Pool ang naging pagbisita ni dating samahang basketbol ng Pilipinas President Manny V. Pangilinan (MVP) sa naging practice nila sa Merlaco gym.

Ito ang kauna-unahag pagkakataon na bumisita si Pangilinan sa practice ng Gilas kung saan pinasalamatan niya ang bawat isa dahil sa mga sakripisyo nito para sa bansa.

Nagsagawa pa ng pa-contest si MVP sa pagtatapos ng practice kung saan nagbigay siya ng P15,000.00 sa mga player na makaka-shoot sa half court na pinaghatihatian naman nina Calvin Abueva, Jonathan Grey at Mike Tolomia ang premyo.


Nakatakdang magtungo sa Cagayan De Oro ngayong umaga ang national team para pagsisimula ng three-leg all-star week ng PBA.
DZXL558

Facebook Comments