Miss World 2013 Megan Young, masaya sa pagju-judge sa Miss Philippine USA 2017 sa Los Angeles, California

69

Showbiz – Ikinatuwa ni Miss World 2013 Megan Young ang katatapos lamang na Miss Philippine USA pageant 2017 na ginanap sa Los Angeles, California.

Nabatid kasi na isa si Megan sa mga judges na kasama ang kaniyang mentor nas si Jonas Gaffud at Hollywood Correspondent na si Janet Napeles.

Ayon kay Megan, anim na toan na ng simulan ang Miss Philippines USA kung saan isa daw itong paraan para makakuha ng mga ambassadors ng good will at maging role model sa Filipino-American community.

Ang 23-years old na fil-am na si Nicole Guerrero ang tinanghala na Miss Philippines USA habang kinoronahan si Jazlynn Dizon bilang Miss Young Philippines na isa ding kumpetisyon para sa edad 18-anyos pababa.

Facebook Comments