Station commander ng MPD station 1 at 12-tauhang – sinibak sa pwesto kasunod ng pagkakadiskubre sa sikretong kulungan! Secret cell – ininspeksyon ni NCRPO Dir. Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Kasunod ng pagkakadiskubre ng Commissionon Human Rights sa sikretong kulungan sa Manila Police District Station-1,sinibak na ngayon sa pwesto ang kanilang station commander na si Supt. Robert Domingo at labing dalawang tauhan nito.
Ayon kay NCRPO Dir. Oscar Albayalde – ito ay upang bigyan daan ang isasagawang imbestigasyon kaugnay sa secret cell kung saan nagaganapang umanoy pananakit sa mga preso.
Ayon kay Albayalde – aalamin kung totoo ang sumbong ng na arresto na 12-katao na ikinulong sila kahit walang isinampang kaso laban sa kanila.
Kanina ay personal na ininspeksyon ni Albayalde ang umanoy tagong selda upang alamin ang mga kondisyon ng mga preso.
Nagpasalamat din ang opisyal sa CHR sa pagkakadiskubre ng kulungan at pagbibisita sa ibat ibang piitan sa bansa.

Napag-alamang ang lihim na seldang ito ay nagsisilbing taguan umano para sa mga drug suspects na nahuhuli ng mga pulis, na sinisingil ng malalaking halaga ng pera upang mailabas mula sa pagkakatago sa secret cell.

Facebook Comments