Mister, Arestado sa Pakikiapid!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang mister matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest na idinemenda ng kanyang misis sa Brgy. Arcon, Tumauini, Isabela.

Sa pangangasiwa ni P/Lt.Col.Arnulfo IbaƱez, hepe ng PNP Ilagan City sa kanyang mga kapulisan ay nahuli si Jefferson Manuel, 38-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Fuyo, City of Ilagan, Isabela.

Una rito, sa tindi ng galit ni misis dahil sa pakikiapid at pangangaliwa ni Manuel ay nagsampa ito ng kaso dalawang taon na ang nakalipas.


Nang lumabas na ang alias warrant of arrest ni Manuel na inisyu ni Hon.Isaac de Alban, Judge ng RTC Branch 16 ng Ilagan City sa kasong R.A 9262 ay inaresto na si Manuel dakong 7:00 ng umaga kahapon.

Gayunman, naisipan rin ng misis na piyansahan sa halagang P24,000.00 ang idinemandang mister upang maging buo ang kanilang pamilya matapos nitong mapatawad ang asawa.

Facebook Comments