Suporta sa LGBT community, tiniyak ni Sen. Go

48

Manila, Philippines –  Suportado ni Senator Bong Go ang grupo ng LGBT community kaya nagpahayag ito ng intensiyon na maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression o SOGIE Equality Bill ni inihain ni Senator Risa Hontiveros.

Kwento ni Senator Go, agad siyang sumagot ng Yes noong lapitan siya ni Senator Hontiveros para maipasa ang SOGIE Equality Bill.


Bukod kay Senator Hontiveros, ay lumapit din kay Go si Congressman Geraldine Roman at hiniling ang tulong nito para maipasa ang SOGIE Equality Bill.

Ayon kay Go, dapat lahat tayo ay pantay-pantay anuman ang kasarian at katayuhan sa buhay at marapat lang din na umiral ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa LGBT community saan mang panig ng bansa.

Hindi rin nagustuhan ni Senador Go ang pagbabawal sa transwoman na si Gretchen Diez na gumamit ng pambabaeng comfort room sa isang mall sa Quezon City.

Facebook Comments

From Advertisers