Pulis binugbog sa Bolinao Panagsinan matapos itong umawat sa away

Binugbog ng 32 anyos na local government employee ang isang Pulis sa Bolinao sa barangay Concordia.
Kinilala ang suspek na si Alvaro Ibanez, at ang biktimang si PSSg Jeric Celeste.
Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, umawat ang pulis sa away ng suspek na si Ibanez at isang Dante Pagador.
Naawat pa ang dalawa ni PSSg Celeste at sinamahang umuwi ang suspek dahil ito ay lasing na.
Pagdating sa bahay ng suspek dito na pinagbubogbog ang pulis at hinamon na siya ay labanan nito.
Dinala sa Bolinao Community Hospital ang dalawa para sa medical examination.
Kinasuhan na ni PSSg Celeste si Ibanez ng Direct Assault.

Facebook Comments