Mister, Binaril-Patay ng Lalaking Dating Nakarelasyon ni Misis

24

Babae ang dahilan kung bakit may malagim na pangyayari sa bayan ng Calabangga sa Camarines Sur.
Binaril ng isang lalaki ang isa pang lalaking biktima habang natutulog ito katabi ng kanyang asawa.
Nangayari ang krimen kahapon ng gabi bandang alas 11 sa Brgy. Paulbo ng nasabing bayan.
Ayon sa imbistigasyon ng pulisya, kasalukuyang natutulog ang mag-asawang Ramon at Marissa. Maya-maya lamang ay may narinig umano si Marissa na kaluskos sa dingding na kanilang bahay, kasabay nito isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw… Nakita na lamang ni Marissa na duguan na ang ulo ni Ramon. Agad siyang bumalikwas at tumakbo palabas ng bahay para humingi ng saklolo. Sa labas ng bahay nakita ni Marissa na patakbo ang suspect na may hawak na baril.
Kilala niya ang suspect…
Si Marissa na mismo ang nagreport at nagturo sa pulisya ng katauhan ng suspect.
Sa imbistigasyon, si Ramon at Marissa ay mag-asawa. Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na nagresulta sa kanilang hiwalayan.
Nakilala ni Marissa si Ricardo Villanueva at nagkarelasyon sila.
Pero kalaunan ay iniwanan din lang ni Marissa si Ricardo…
At bumalik siya sa piling ng kanyang original na asawang si Ramon…
Pinaniniwalaang hindi ito matanggap ni Ricardo…
Selos ang tinitingnan na anggulo ng nasabing krimen.
– with report from RM Paul Santos

Facebook Comments