Ro-Ro sa Masbate, Tinapunanng Granada at Niratrat Kahapon ng Madaling Araw, Zero Casualty

26

Wala namang namatay o nasugatan sa isang insidente ng pagtapon ng granda at pagratrat sa isang Ro-Ro sa probinsiya ng Masbate, Bicol region.
Ayon sa pahayag ng isang pasahero sa Masbate na nakatakdang sumakay sa nabanggit na Ro-Ro, bandang alas 2 ng madaling araw kahapon, pinasabugan ng granada ang upper deck ng sasakyang pandagat.
May report din na isang maliit na sasakyang pandagat o tinatawag na “kumpit” ang nakitang palayo sa Ro-Ro pagkatapos ng pagpapasabog at pagratrat ng baril na pinaniniwalaang armalite.
Walang naiulat na nasugatan dahil hindi pa naman nakaka-akyat ang mga pasahero ng maganap ang insidente.
Habang isinasagawa pa ng pulisya ang imbistigasyon, pinayagan pa rin ng Coast Guard ang nasabing Ro-Ro na bumiyahe papuntang Pasacao, Camarines Sur.

Facebook Comments