Mister, Huli sa Pag-iingat ng Illegal na Baril!

76

*Cauayan City, Isabela-* Inaresto ng mga otoridad ang isang mister matapos na makumpiskahan ng hindi umano lisensyadong baril sa Purok 2, Barangay Cajel, Diffun, Quirino.

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj.Victoriano Yarcia, hepe ng PNP Diffun, Quirino kay P/Capt. Reynold Gonzales, tagapagsalita ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) ang nahulihan ng baril ay kinilalang si Niño Batac, 34-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.


Dakong 11:20 kagabi ng mamataan si Batac na may hawak umanong baril na 9mm armscor pistol at isang magazine na may pitong bala.

Si Batac ay pansamantalang nasa piitan ng pulisya para sampahan ng kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 10591 o pag-iingat ng hindi umano lisensyadong baril.

Facebook Comments

From Advertisers