Mister, Inaresto matapos Mahuli ng Aktong Kasama ang Kalaguyo

259

*Cauayan City, Isabela*- Pansamantalang nakalaya ang isang lalaki matapos mahuli ng kanyang misis na may kalaguyo sa Brgy. Banaggao, Aurora, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Efren Andres, 66 anyos, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Aurora, nagsagawa ng intelligence operation ang kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto nito matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Bernabe Mendoza ng 13th MCTC Aurora-San Manuel para sa kasong Concubinage.

Sa ngayon ay magpapatuloy pa rin ang kaso laban sa nasabing mister.

Facebook Comments

From Advertisers