Mister na Ipinakulong ni Misis dahil may Kalaguyo, Agad Nakapagpiyansa

321

*Cauayan City, Isabela*- Agad na nakapagpiyansa ang isang lalaki matapos maaresto ng mga alagad ng batas sa kasong Concubinage sa Brgy. Ugad, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si James Manalo, 32 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Tumauini, dinakip si Manalo sa bisa ng mandamiento de aresto nito na ipinalabas ni kagalang galang hukom Jennifer Loveria ng MCTC Tumauini-Delfin Albano para sa nasabing kaso.

Ayon sa PNP Tumauini, sinampahan ng kaso ang akusado ng kanyang mismong misis matapos mahuli na may kalaguyo.

Sa ngayon ay magpapatuloy pa rin ang kaso laban kay Manalo.

Facebook Comments

From Advertisers