Lalaki na Top 8 sa Kasong Attempted Rape, Arestado

55

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki na Top 8 Wanted Person Municipal Level matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamineto de aresto nito sa Brgy. District 2, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Brendo Bautista, 55 anyos, may asawa, driver, at residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Manuel, nagsagawa ng intelligence monitoring ang kapulisan na nagresulta sa pagkakadakip ni Bautista matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Anastacio Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City para sa kasong Attempted Rape sa ilalim ng criminal case no. 36-6616.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapglagak ng piyansang nagkakahalaga ng (P120,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers