Mister na nagmamadaling umuwi matapos pagtaksilan si misis, nasita sa daan

3415

Nangatwiran ang isang lalaking nahuli ng pulis matapos pumaspas sa pagmamaneho na nagmamadali siyang umuwi dahil pinagtaksilan niya ang kanyang misis.

Nagmamaneho sa bilis na 90 mph si Jon Earl Pickard sa 55 mph zone bandang 7:30 ng gabi nang parahin siya ng pulis sa Florida, United States noong Nob. 10.


Ayon sa police report na inilabas sa The Smoking Gun, umamin ang 52-anyos na padalus-dalos ang kanyang pagmamaneho dahil sa kasalanan sa asawa.

Nakitaan din si Pickard ng pakete na nagpositibo sa cocaine sa bulsa ng kanyang T-shirt na ayon sa kanya ay kabibili niya lang sa halagang $50 (higit P2,000).

Pinatawan ng reckless driving at drug possession ang lalaki na nakalabas din sa kulungan matapos mag-piyansa ng $2,250 (higit P100,000).

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naharap si Pickard sa kasong may kinalaman sa kanyang asawa, ayon sa ulat.



Nakulong na rin siya noong Marso kaugnay ng pisikal na pananakit sa misis.


Facebook Comments