Mister, nagselfie muna bago magpatiwakal gamit ang isang tali

1234

*Cauayan City, Isabela*- Nagbigti ang isang mister gamit ang isang nylon chord na kanyang isinabit sa kisame ng kanilang kwarto bandang 1:30 kanina sa Brgy. Divisoria, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Heherson Roque, 34 anyos, may asawa t isang tindero na residente sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Major Reynaldo Maggay, Hepe ng PNP Santiago, nadiskubre na lamang ng mga kaanak ng biktima na wala na itong buhay ng matagpuan sa kanyang kwarto na pawing nakatali ang leeg ng isang nylon.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na bago magpakamatay ang biktima ay nagselfie muna ito at nagpadala ng mensahe na may katagang “Huli na” sa kanyang misis na ofw sa bansang Hongkong.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa ugat ng pagpapakamatay ng biktima.

Facebook Comments