Muslim, Timbog sa ikinasang Drug buy bust ng mga Awtoridad

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang muslim sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Santiago City Drugs Enforcement Unit (SDEU), PDEA Region 02 at Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) sa isang terminal ng van sa Brgy. Centro East, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Abdul Macaalen Basman, 48-anyos, may-asawa at pansamantala nanirahan sa Gideonville, Brgy. Balauarte sa nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan sa pangunguna ni P/Major. Reynaldo Maggay, Hepe ng PNP Station 1, nagpanggap umano na poseur buyer ang isang pulis na nakabili ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at narekober sa pag iingat ng suspek ang limang libong piso (P5,000.00) na marked money.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng otoridad ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments