Misteryosong sakit mula China, mababa ang tyansang kumalat sa Pilipinas

Tiwala ang Department of Health (DOH) na mababa ang tiyansang kumalat sa Pilipinas ang misteryosong sakit mula sa China.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo – mababa ang posibilidad na maipasa o maihawa ang sakit sa ibang tao.

Aniya, wala nang bagong kasong naitala sa China kung saan nasa 59 na katao ang tinamaan ng sakit sa Wuhan province.


Nakabantay ang DOH at Bureau of Quarantine para maiwasang makapasok sa bansa ang naturang sakit.

Una nang sinasabi ng mga eksperto na isang bagong uri ng coronavirus ang sakit na dumapo sa China.

Facebook Comments