Nagsagawa ng malawakang misting, fogging operation at larvicidal application ang mga pampublikong paaralan sa Calasiao.
Lahat ng paaralan sa bayan ang target na mapuntahan ng Municipal Health Office Rural Sanitary Inspection upang makontrol at mapuksa ang pagkalat ng mosquito-borne diseases tulad ng dengue partikular sa naranasang pagbaha sa bayan.
Kabilang sa mga napuntahan nang paaralan ang Gabon, Nalsian Bacayao, Qursban. Dinalaoan, San Miguel, Lumbang at iba pa.
Buo naman ang suporta ng mga kawani at stakeholders sa mga paaralan para sa maagap na hakbang sa kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









