Misuari, kakausapin ni PRRD na mamagitan sa ASG para pigilan ang pagpugot sa 3 bihag

Kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari na mamagitan para pigilan ang pagpugot sa tatlong foreign national na hostage ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa Pangulo, umaasa siya na makakatulong si Misuari para tuluyan na din mapalaya ang mga nasabing bihag.

Matatandaan na noong September 2016, isa ang grupo ni Misuari na tumulong para mapalaya ang isang Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad na bihag ng Abu Sayyaf ng halos isang taon.


Una na din nanindigan ang pamahalaan na walang ibibigay na ransom kapalit ng mga bihag na Indonesian at Malaysian hostages kahit pa nakatakda itong bitayin ng bandidong grupo.

Iginiit kasi ng Malacañang na posibleng lumala pa ang ginagawang pag-kidnap ng mga terorista at iba pang makakaliwang grupo kapag nagbigay ng ransom kung saan posible din daw itong ipambili ng mga armas at gamitin panlaban sa gobyerno.

Facebook Comments