Mga kalsadang isasara sa EDSA People Power anniv, alamin!

56

Dalawang kalsada ang isasara para sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara ang EDSA-bound direction ng White Plains Avenue mula Corinthian Gardens Gate hanggang EDSA kung saan nagsimula ang temporary closure kainang alas 12:01 ng madaling-araw hanggang mamayang alas 8:00 ng gabi.

Isasara rin ang isang lane ng EDSA sa harap ng People Power Monument mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga sa Lunes, February 25.
Suspendido naman ang number coding sa Lunes dahil deklaradong special-non working holiday ang naturang petsa at bukod dito nag-anunsyo na rin ng suspensyon sa number coding ang Makati City traffic.

Facebook Comments