Misyonero sa Echague Isabela, Dinakip ng PNP Cauayan Dahil sa Kasong Estafa!

Cauayan City, Isabela – Dinakip ng kapulisan kahapon ang isang misyonero dahil sa kasong estafa sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Apolinario Banzal Crisologo, senior citizen, may asawa at residente ng Brgy. Salay, Echague, Isabela.

Ang pagkakadakip kay Cristobal ay batay sa ipinalabas na mandamiento de arresto na nakatala sa kasong criminal bilang 7976, na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 Ilagan City.


Makakalaya pansamantala si Cristobal kung makakapaglagak ng piyansang apatnapung libong piso.

Samantala ang akusado ay nasa PNP Cauayan City para sa dokumentasyon at dadalhin sa court of origin.

Facebook Comments