Tiniyak ng mga water concessionaires na patuloy nilang ipinatutupad ang mga mitigating measures upang matipid ang kakarampot na supply ng tubig.
Ito ay kasabay ng pagsadsad ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Kabilang sa mga ipinatutupad na hakbang ay ang rotational water interruption schedule kada lugar.
Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Field Operations Management Department Manager, Engr. Jun Escoto Jr. – sisikapin ding makapagpadala ng mga water tanker sa mga lugar walang supply ng tubig.
Kabilang sa mga solusyong ginagawa nila ay pagkakaroon ng cloud seeding sa lugar kung nasaan ang mga dam.
Mula nitong June 20, 44 beses nang nagpatupad ng cloud seeding sa Angat Dam na nagkakahalaga ng walong milyong piso.
Facebook Comments