Ipinaliwanag ng Department of Science and Technology ang gagawin nilang mix and match trial o yung pag-gamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine sa una at ikalawang dose.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na layon nitong matukoy kung gaano katagal ang pagiging epektibo ng bakuna at kung mas tatagal ang immunization ng isang tao kapag ibang brand ang ginamit.
Nasa 3,000 indibidwal ang inaasahang lalahok sa solidarity trial kung saan magmumula ang mga ito sa 8 napiling lungsod.
Kabilang dito ang Maynila, Pasig, Antipolo, Marikina, Makati, Quezon City, Muntinlupa, Cebu City at Davao City.
Ayon kay Guevarra, bukas, Hulyo 15 ay magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ng iba pang mga grupo para talakayin kung papaano ipatutupad ang mix and match trial.