Mix-matching ng COVID-19 vaccines, pinag-aaralan ng DOH

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtuturok ng second dose ng COVID-19 vaccine na iba sa bakunang ginamit bilang first dose.

Sa harap ito ng limitadong suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay DOH Usec. Mario Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) at sa Vaccine Expert Panel para sa pagsasagawa ng vaccine mixing study.


May ganitong pag-aaral na rin aniya sa UK pero wala pang resulta.

Samantala, ayon kay Vergeire, may theoretical basis na nakita sa mga pag-aaral na ginawa ng Vaccine Expert Panel pero kailangan pa itong susugan ng iba pang impormasyon at ebidensya.

Facebook Comments