LOLO SA BAYAN NG MANGATAREM, PINATULUNGANG BUGBUGIN NG APAT NA KAINUMAN

MANGATAREM, PANGASINAN – Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng isang lolo matapos itong kuyugin at pagtulungang bugbugin ng apat na kalalakihang nakainuman sa mangatarem pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Federico Diaz, magsasaka, 62 taong gulang at ang mga suspek naman ay nakilalang sina Armand Bulatao, Alfredo Bulatao, Joe Bulatao at Victor Bulatao.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sa gitna umano ng inuman ng mga suspek at ng biktima nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo dahil sa dati ng alitan na nauwi sa pambubugbog sa lolo.


Naaresto si Armand Bulatao at ang tatlo namang mga suspek ay kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Facebook Comments