MIXED RACE | Solenn Heusaff, dismayado sa ibang Pinoy na bumabatikos sa kaniya sa pagiging biracial

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang aktres na si Solenn Heussaff na na-frustrate siya sa mga kapwa Pilipino na idini-diskriminasyon siya dahil sa pagiging mixed race o biracial.

Naranasan ito daw ito ni Solenn, na isang Filipino-French, nang minsang mag-tweet siya tungkol sa malalang trapiko sa bansa.

Ilan sa mga netizen ang binatikos ang aktres saka sinabihang umalis sa Pilipinas at bumalik na lang sa France kung hindi siya masaya.


Say ni Solenn tungkol sa isyu na ito wala daw karapatan ang mga ibang netizen na bumabatikos sa kaniya partikular ang mga nasasabin hindi daw siya Pinoy.

Paliwanag pa ng aktres, Pinoy na daw siya dahil mayroon na daw siyang Philippine passport at HIDOtr daw siya lumaki kung saan tinuruan din siya ng kaniyang nanay ng mga values ng pagiging isang Filipino.

Sa huli, sinabi pa ni Solenn, may ugali ang ibang Pinoy na ipagdiwang ang mga sumisikat na personalidad na may dugong Pilipino na nakikilala internationally, pero hindi sa Pilipinas lumaki.

Facebook Comments