Miyembro ng Abu Sayyaf group, arestado sa Talipao Sulu

Manila, Philippines – Naaresto ng tropa ng Philippine Marines ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Tuyang Talipao Sulu.

Kinilala itong si Aldimar Tahil 20 anyos, residente ng Brgy. Mahal Talipao Sulu.

Si Tahil ay miyembro ng ASG simula pa noong taong 2014, nagsisilbi itong tagapag-bantay ng mga kidnapped victims at messenger ng grupo.


Ayon kay Philippine Marines Spokesperson Captain Maria Rowena Dalmacio nakatanggap ng impormasyon ang Marine Batallion Landing Team 1, na nais nang sumuko ng ASG member.

Dahil dito agad na kumilos ang militar at tumungo sa Brgy. Tuyang para kunin ang teroristang sumuko.

Isinabay sa pagsuko ni Tahil ang kanyang 9mm submachine gun “Uzi”.

Dinala agad ito sa Camp Bautista Station Hospital Jolo Sulu para sa medical check-up at custodial debriefing.

Sa nakalipas na dalawang linggo kabuuang limang miyembro ng ASG ang sumuko habang 57 mga high powered firearms na may magazine at ammunition ang sabya na isinuko rin ng ASG sa Philippine Marines sa Sulu.

Facebook Comments