Kinilala ang nasabing indibidwal na si alyas Totoy, 57-taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Agani, Alcala, Cagayan.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan PPO, isang alyas Perlita ang nagkumbinsi kay Totoy na sumali sa nasabing organisasyon noong taong 2018.
Aniya, madalas umano itong dumalo sa mga isinasagawang pagpupulong ng ilan sa mga miyembro ng organisasyon.
Nakikilahok rin umano si Totoy sa isinasagawang protesta ng organisasyon sa harap ng tanggapan ng Department Social Welfare Development (DSWD) at Department Agrarian Reform (DAR) sa lungsod ng Tuguegarao.
Samantala, pinuri ni OIC Cagayan PPO Director PCOL Julio S Gorospe Jr. ang mga kapulisan sa likod ng maayos na pagsuko ng nasabing miyembro ng Anakpawis.
Kaugnay nito, patuloy pa rin na hinihimok ng kapulisan ang iba pa na aktibo pa rin na sumusuporta sa makakaliwang grupo, na sumuko na at mamuhay na lamang ng matiwasay kasama ang kani-kanilang pamilya.