Kinilala ang sumuko na si alyas Pedro, 29 taong gulang, may asawa, trabahador, at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Police Provincial Office, si alyas Pedro ay miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley o West Front Committee at nagsilbing “Pasabilis” sa kanilang barangay kung may mga tropa ng gobyerno na papasok o magsasagawa ng combat operation.
Siya ay na-recruit ni Jomar Quizagan na sumali sa kilusan matapos pangakuan ng ng tulong pinansyal para sa kanyang kabuhayan at libreng lupa.
Noong 2013, inatasan siyang sumama sa grupo na pinamumunuan ni alyas Alan sa pagsasagawa ng surveillance sa mga galawan at kinaroroonang kampo ng mga pwersa ng gobyerno at binigyan siya ng .38-caliber revolver para sa kanyang proteksyon. Ito ay bago ang pananambang sa mga tauhan ng Special Action Force na nakabase sa Brgy. Cataratan, Allacapan, Cagayan.
Nagsilbing din siyang look-out habang ang iba pa nilang miyembro sa pangunguna ni alays Senyang ay nagsasagawa ng pananambang laban sa mga tauhan ng Special Action Force sa Brgy. Cataratan, Allacapan, Cagayan.
Inilahad din niyang siya dumalo sa serye ng mga pagpupulong kung saan ang agenda ay pangunahing nakatuon sa hindi patas na serbisyo ng gobyerno at Anti-Government Propaganda.
Siya rin ay lumahok sa mga protesta/rallies na ginanap sa Office of Department of Social Welfare and Development sa Tuguegarao City, Cagayan sa pangunguna ni Isabelo Adviento o Ka Buting.
Napasuko si alyas Pedro ng pinagsanib na pwersa ng 3rd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (lead unit) at Lal-lo Police Station sa kanilang patuloy na kampanya laban sa insurhensya at pagpapalakas ng community relations activities sa tulong ng mga barangay officials ng Brgy. San Lorenzo, Lal-lo, Cagayan.