Miyembro ng CAFGU, patay sa engkwentro sa Compostela Valley Province

130

Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU matapos ang bakbakan ng militar at mga rebelde sa Laak Compostella Valley Province kahapon.

Kinilala ang nasawing active auxiliary ng CAFGU na si Cherwyn Paragoya na tumutulong sa tropa ng 60th Infantry Battalion nang makasagupa ang nasa  25 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa ilalim ng Guerilla Front 33.


Ayon kay 1st Lieutenant Amadeuz Celestial, Civil Military Operation Officers ng 60th Infantry Battalion ng 10th Infantry Division ng Philippine Army tumagal nang halos 1 oras ang palitan ng putok kung saan dahil sa tagal ng bakbakan ay kinailangan pang magbigay ng close air support ang Philippine Air Force Tactical Operations Group 11.

Tumakas ang mga rebelde sa papalayong direksyon na pinaniniwalaang may mga tinamong sugat base na rin sa mga nakitang dugo sa kanilang mga dinaanan.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng militar laban sa nga nakasagupang NPA.

Facebook Comments

From Advertisers