Miyembro ng Criminal Gang, Arestado ng mga Otoridad

*Cauayan City, Isabela- *Tuluyang bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang wanted person na kabilang sa criminal gang sa Brgy. Gonzalo, San Quintin, Pangasinan.

Kinilala ang akusado na si Elvis Emperador, 40 taong gulang, may asawa, karpintero at residente ng Brgy Gonzalo, San Quintin, Pangasinan.

Isinilbi ang mandamyento de aresto na nagresulta sa pagkakahuli ni Emperador ng pinagsanib pwersa ng PNP Diffun, PRO3-CIDG RFU, PNP Cuyapo at PNP San Quintin para sa kasong Robbery na inisyu ni hukom Moises Pardo ng RTC Branch 32, Cabarroguis, Quirino noong taong 2007.


Mayroong inirekomendang piyansa ang korte na halagang Php100,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Habang kinakapkapan ng mga otoridad ang akusado, nakuha sa pag-iingat nito ang isang (1) 9mm pistol na baril.

Nasa kustodiya na ng San Quintin Police Station ang suspek at siya ay mahaharap pa sa kasong RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Nabatid na kabilang rin sa Criminal Gang na nasa listahan ng CIDG-PRO3 ang suspek na nag-ooperate sa Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan at La Union.

Bukod dito, miyembro rin ng Criminal Gang na may pangalang Nabyayay o Puguon Group na kumikilos sa probinsya ng Quirino.

Facebook Comments