Save our Schools Network, dumulog sa CHR kasunod ng pag-raid sa Talamban campus ng University of San Carlos sa Cebu City

291

Nagpasaklolo sa Commission on Human Rights (CHR) ang grupong Save our Schools Network kasunod ng naging pagsagip ng National Police Regional Office 7 at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga batang Lumad sa Talamban Campus ng University of San Carlos sa Cebu City.

Ayon kay Beverly Gofredo, media liason ng grupo, humihingi sila ng proteksyon sa CHR sa sandaling isunod na i-raid ang UP Diliman.


Sa ngayon aniya ay may mga batang Lumad na nagkakanlong din sa loob ng UP-Diliman.

Karamihan sa mga ito ay mga bata na kasama ang kanilang mga magulang na naipit sa armed conflict.

Nauna nang pinutol ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa UP na nagbabawal sa Philippine National Police (PNP) at militar na pumasok sa mga kampus.

Facebook Comments