Miyembro ng Dawlah-Islamiya Group, napatay sa buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato

88

Napatay ang isang miyembro ng Dawlah-Islamiya-Hassan Group sa ikinasang buy-bust operation ng Polomolok Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 sa Prk 8, Barangay Sulit, Polomolok, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Joven Cabalo, residente ng Prk 4, Brgy. Lapu Polomolok, South Cotabato.


Sa pag-iimbestiga ng Philippine National Police (PNP), natukoy na si Cabalo ay inutusan nang kanilang grupo na imonitor ang aktibidad at lugar kung saan nagpapatrolya ang mga awtoridad sa buong Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay PNP Region 12 Spokesperson Lt. Col. Lino Capellan, naaresto ang suspek matapos na magpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis, pero nang nakaramdam ang suspek na siya ay nakikipag- transaksyon sa mga pulis ay agad niyang ipinutok ang kaniyang baril.

Pero gumanti ng putok ang mga pulis dahilan ng pagkasugat ng suspek na isinugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa napatay na suspek ang buy-bust money, caliber .38 na loaded ng bala at dalawang rounds of ammunition.



Nakuha rin ang sampung plastic sachet ng shabu at isang unit ng motorsiklo.

Facebook Comments