Bangkay ng lalaking may 4 na tama ng bala, nakita sa damuhan

623
Photo from Mary Grace Pedregosa

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa damuhan sa Barangay Palma Perez, Mlang, North Cotabato nitong madaling araw ng Martes.


Kinilala ang biktima na si Jolito Lingatong, residente ng Barangay Banayal, sa bayan ng Tulunan.

Apat na tama ng bala ang tinamo ni Lingatong sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Ayon sa pulisya, nakarinig umano ng mga residente malapit sa pinangyarihan ng krimen ng mga putok ng baril dakong alas-otso ng gabi noong Lunes, Hulyo 27.

Nakita raw ang katawan ng biktima, ilang oras matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

 

Facebook Comments