Miyembro ng Dawlah Islamiyah, naaresto sa Quezon City

Nahuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Sa press briefing sa Camp Crame, iniulat ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na alas-4:25 ng hapon nitong sabado ay nahuli si Kevin Madrinan alyas Ibrahim sa North Fairview Quezon City.

Si Madrinan ay umano’y may koneksyon sa teroristang si Mundi Sawadjaan na Abu Sayyaf Group commander at responsable sa Jolo bombings.


Si Madrinan ay isang Balik Islam at sinasabing may kinalaman din sa recruitment ng mga terorista.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng PNP kung may planong terroristic activity si Madrinan dito sa Metro Manila.

Sa ngayon, iniutos ni Cascolan na mas paiigtingin pa ang pagbabantay sa mga border sa Metro Manila.

Hinimok naman ng PNP ang Muslim community na mag report sa pulis sakaling may ma-monitor na kahina-hinalang personalidad sa kanilang lugar.

Pinakakalma naman ni PNP Chief ang publiko dahil aktibo aniya at tuloy-tuloy ang operasyon ng PNP laban sa terorismo.

Facebook Comments