Sa kabila ng pag-alis ng ilang kasamahan, Angelica Panganiban, nanindigang mananatiling Kapamilya

59
COURTESY: ANGELICA PANGANIBAN INSTAGRAM

Nanindigan ang aktres na si Angelica Panganiban na mananatili itong Kapamilya star kahit pa ilang ABS-CBN artists ang isa-isa nang lumilipat sa ibang network.

Ayon sa 33-years-old Star Magic talent, kahit may offer sa kaniya, hindi sumagi sa kaniyang isip na iwan ang network na nag-alaga ng kaniyang career mula noong siyam na taong gulang pa lamang siya.

Biro pa ni Angelica, ikokonsidera raw siguro niya ang paglipat sa ibang network kung wala na siyang makain.

Sa ngayon ay masaya naman daw ito bilang Kapamilya artist at wala siyang nakikitang dahilan upang lisanin ang kaniyang home network.

Facebook Comments