Miyembro ng drug group, patay matapos makipag-engkwentro sa mga pulis sa Laguna

60

Napatay ang isang miyembro ng isang drug group matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Dila, Bay, Laguna.

Kinilala ni Police Brigadier General Felipe Natividad, Regional Director ng PNP CALABARZON ang suspek na si Ronald Mullet, miyembro ng Baying Drug Group.


Sa operasyon, nagpanggap na buyer ang isang pulis.

Agad namang nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kaya nagpaputok ng baril na nauwi naman sa engkwentro na ikinamatay nito.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng operasyon ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000, at isang brick ng hinihinalang marijuana.

Nakuha rin ang isang motorsiklo na walang plaka at cal. 45 pistol.




Facebook Comments